IQNA

Ano ang Kuhulugan ng Dīn?

22:37 - January 20, 2022
News ID: 3003657
Kinuha sa aklat “Siratal Mustaqim” ni Shaykh Muhammad Hadi Nabawi at isinalin sa wikang Pilipino ni Montazer R. Bongalon

Ang dīn doon sa talasalitaan na kahulugan
     Binanggit ang dīn sa wikang Persiano na kīsh (paniniwala), āyyin (batas), tarīqat (daan)[1] at sa wikang Arabo naman alinsunod sa malinaw na pagpapaliwanag ng mga dalubhasa sa wikâ na ang kahulugan ng dīn ay gantimpala at pagtalimâ.[2]
 
Ang dīn sa Maluwalhating Qur’an
     Ginamit ng marami ang salitang dīn sa Maluwalhating Qur’an at lumabas ang iba’t-ibang kahulugan. Ang dīn doon sa talata “māliki yawmiddīn”[3] ang lumabas na kahulugan ay gantimpala at kaparusahan, at ang Dakilang Panginoon ay ipinakilala bilang na Mālik (Amo) ng Araw ng gantimpala at kaparusahan. Sa itong banal na talata “Huwallāżī arsala rasūlaḥu bilhudā wa dīnil haqqi…”[4] binanggit ang kahulugan na sharī’ah at qanūn (batas) at sa talata na “da’awūllāhā mukhliṣīna laḥūddīn…”[5] ang kahulugan na ginamit ay pagkaalipin, pagtalimâ at pagsunod.[6]
 
Ang Pananalita na Kahulugan ng Dīn
     Sa hindi pa ipapaliwanag ang kahulugan ng dīn alinsunod sa pananalita ay kailangan muna na bigyang pansin ang dalawang mahalagang punto: Unang punto; ang mga dalubhasa ng pananampalataya ay iba’t-iba ang kanilang pag-uunawa sa dīn na kung saan kakaiba rin ang kanilang pagpapaliwanag. Ikalawang punto; ang mga iskolar ng Teolohiya na kung minsan nagbibigay ng pangkabuuan[7] na pagpapaliwanag ng dīn at minsan nagbibigay doon lamang sa pagpapaliwanag ng dīn na totoo na kung saan ang tunay na dīn (relihiyon) alinsunod sa paniniwala at pananampalataya sa bawat tao iyon ay ang kanyang sariling dīn (relihiyon).
     Ang pangkalahatang relihiyon ay nangangahulugan ng “pangkat ng paniniwala at mga batas na kung saan inangkin sa mga nagdadala at sa mga sumusunod nito na iyon ay galing sa Tagapaglikhâ ng mundo.” Alinsunod sa itong pagpapaliwanag ang mga sumusunod sa lahat ng relihiyon [dīn] noong nakalipas ay naniniwala na ang kanilang relihiyon ay tunay o nasa katotohanan at ito ay galing sa Maluwalhating Panginoon. Ngunit alinsunod sa pagpapaliwanag tungkol sa tunay na relihiyon batay sa pananaw ni Ayatullāh Jawādī Amolī ay ganito: “pangkat ng mga paniniwala, mga pag-uugali, mga batas at mga kasunduan upang pamamahalaan ang lipunan at pagsasanay ng mga tao.”[8]
     Ang pinili na kahulugan sa itong sunod-sunod na mga aralin ay itong pagpapaliwanag o kahulugan at maaring ipahayag sa karaniwan at maayos na pagpapahayag na kung saan ang lahat na mga palatuntunan at mga batas ng Islam ay nabahagi sa tatlo:
 
‘Aqā’id [Paniniwala o pananampalataya]Aḥkām [Mga Batas] Akhlāq [Pag-uugali]
 
     Alinsunod sa itong kahulugan ang relihiyong Islam ay nabubuo ng pangkat ng mga paniniwala at mga batas na nagmula sa Panginoon at nagbibigay ng kasiyahan ng Panginoon at dumating upang magbigay ng patnubay ng tao. Sa ibang salita; ang pag-anyaya ng mga Propeta (s.k.n.k.) at kasama dito ay ang Kagalang-galang na Propeta Muḥammad (s.k.n.k.), na maaring paikliin sa dalawang bagay: Una, tamang paniniwala; ikalawa, isakatuparan doon sa pamumuhay na batay sa iyon na mga paniniwala at mga pananampalataya.
 
Natatakdaan ang Relihiyon [Dīn] sa mga Kautusan ng Tatlong Urȋ:    
     Baka mayroon na magtanong kung bakit ang lupon ng kaalaman ng Islam at katuruan ng relihiyon ay naipaiklî lamang sa tatlong urȋ?
     Sa kasagutan dapat malalaman na ang lahat na mga katuruan o doktrina ng relihiyon ay mayroong malakas na ugnayan kasama ang mga larangan na pagkakaroon at mahalagang mga pangangailangan ng tao. Ang mga palatuntunan ng paniniwala o pananampalataya ay nakatutok doon sa mabuting pagbuo ng kaisipan ng tao at malinaw ang pag-iisip ng katungkulan ng tao. At ipapaliwanag ang dapat at hindi-dapat na isipin ng tao. Mayroon na ugnayan ang mga alituntunin [aḥkām] at mga palatuntunang mga gawain kasama ang mga kilos at ugali ng tao. Sa kalagayan na ang mga araling pangkaugalian at kaalaman ng Islamikong pangkaugalian ay may ugnayan sa pagtuturo o pagsasanay ng kaluluwa at mabuting kaisipan ng tao. Dahil dito, malinaw na ang mga layunin sa lahat na mga Propeta ng Panginoon ay ang pagsasanay sa tao na maging ganap na tao. At sa buong kasaysayan ay napatunayan na nandodoon ang lahat na mga larangan ng pamumuhay ang mabuting pag-uunlad ng kaisipan, kaugalian at gawain ng tao.
 
Kahulugan ng Uṣūl
     Ang uṣūl ay pangmaramihan ng aṣl na ang kahulugan ay ugat, pundasyon, batayan, pangunahin at mahalaga.[9] Ang aṣl nangangahulugan din ng iba katulad ng aṣīl - simulain, tunay at katotohanan na ang kabila ay hindi-simulain, hindi-tunay at hindi-totoo.[10] Ngunit dito ang ibig sabihin ng aṣl ay ugat, pangunahin at batayan. Sa panahon na sasabihin ang Uṣūlu-Dīn ang ibig sabihin sa iyon ay mga batayan at mga ugat ng relihiyon.
 
Mga Batayan ng Relihiyon [Uṣūludīn]
     Kung titingnan ang kahulugan ng “uṣūl” at “dīn” ay ipinapaliwanag ng hiwalay at pagkatapos ng pagdugtong ay hindi kailangan pa ng karagdagang pagsusuri ang “uṣūludīn” (batayan ng relihiyon). Sa katotohanan ang uṣūludīn ay mga pundasyon, mga batayan at mahalagang mga bahagi ng relihiyon. Dito rin ay mayroon na ibang higit pa na mahalagang tatalakayin ang uṣūludīn (batayan ng relihiyon] at iyon ay tinatawag na pananalitang pangkalahatan at pananalitang natatangi. Ang layunin ng uṣūludīn ay pangkalahatan na tamang mga paniniwala ng mga tao, kasama dito ang paniniwala ng mga anghel, paniniwala ng tadhana [badā’] at mga paniniwala ng ibang mga sanga ng pananampalataya. Ngunit kung ang layunin ng uṣūludīn ay natatanging kahulugan sa iyon na kasali ang pangunahing mga paniniwala katulad ng paniniwala na mayroong Panginoon, paniniwala na mayroong Kabilang Buhay, paniniwala ng Pagkapropeta [nubūwwah], paniniwala ng katarungan [‘adl] at paniniwala ng pamumuno [imāmah].  Sa itong sunod-sunod na mga aralin tatalakayin at pag-aaralan ang ikalawang kahulugan na kung saan ay kilala sa pagitan ng mga sumusunod ng mażhab ng Shī’ah Ithnā ‘Asharā.  
 
Mga Bahagi ng Batayan ng Relihiyon [Uṣūludīn]
     Ang bilang ng batayan ng relihiyon ay hindi sinabi o binanggit sa mga talata ng Maluwalhating Qur’an at sa mga Islamikong salaylay [riwāyah], at ipinagpalagay bilang na isang bagay na susunod na lamang [ta’abudī]. Ngunit alinsunod sa nakilalang mga paniniwala ng Shī’ah, ang batayan ng relihiyon ay limang bilang lamang at ito ang mga sumusunod: ang Tawḥīd, ‘Adl, Nubūwwah, Imāmah at Ma’ād.[11] Iilan sa mga iskolar ng Shī’’ah katulad ni Shaykh Ṣadūq (sa ikaapat na siglo) doon sa aklat na “Al-Hidāyah”[12] ang bilang ng batayan ng relihiyon ay apat lamang at ito ay ang: Tawḥīd, ‘Adl, Nubūwwah at Imāmah.
     Itong pangkat ng mga iskolar ng relihiyon ay naniniwala na ang Ma’ād ay sa babaan ng ‘Adl at sa bawat tao na naniniwla ng pagkamakatarungan [‘adl] ng Panginoon ay naniniwala din ng Kabilang Buhay [ma’ād] sapagkat ang pagiging makatarungan [‘adl] ng Panginoon dapat ay magpahiwatig na mayroong Kabilang Buhay [ma’ād]. Sa kabila naman ang yumaong Shaykh Ṭūsī[13] katulad sa ibang mga iskolar ng Shī’ah, ang batayan ng relihiyon sa kanilang pagkakaalam ay nagkakaroon ng limang bilang lamang. Ang resulta ay ganito, ang nagtaguyod na mayroon na limang bilang ang batayan ng relihiyon, o kaya ay ganito na ang itong limang batayan ng relihiyon ay masyadong mahalaga kaysa ibang mga batayan at maaari na ang karapatan sa natitirang mga batayan [uṣūl] ay ipapasok doon sa limang batayan o kaya ang dunong sa iyon ay upang mapadali ang pagtuturo kasi kung hindi ganon bakit binilang ang  paniniwala ng pagka-propeta sa ibang mga Propeta ng Panginoon, paniniwala sa pagkakaroon ng Panginoon, paniniwala sa Maluwalhating Qur’an at katulad sa mga iyon na lahat na bahagi ng batayan ng relihiyon [uṣūludīn]. Dahil doon sa kalagayan ng pagtuturo sa mga iba ay kailangan na hindi makalimutan itong mga punto.  
 
Ang Kaibahan sa Batayan ng Relihiyon [Dīn] at Batayan ng Paaralan ng Kaisipan [Mażhab]
     Bago natin tatalakayin ang mga kaibahan sa pagitan ng batayan [dīn] ng relihiyon at batayan ng paaralan ng kaisipan [mażhab] kailangan muna na ihiwalay itong dalawang simulain [aṣl]. Ang Tawḥīd, Ma’ād at Nubūwwah ay bahagi ng batayan ng relihiyon at ang lahat na mga Muslim ay naniniwala sa mga iyon. Ngunit and ‘Adl at Imāmah sa pananampalatay ng Shī’ah ay binilang sila na bahagi ng mga batayan ng relihiyon [uṣūludīn]. Ang kaibahan sa pagitan ng batayan ng relihiyon [dīn] at batayan ng paaralan ng kaisipan [mażhab] ay ganito na kung sinumang tao ang hindi naniniwala sa Tawḥīd, Nubūwwah at Ma’ād ay labas sa Islam at hindi siya mabilang na Muslim. Subalit sa kalagayan na hindi tinatanggap niya ang ‘Adl at Imāmah, ang taong ito ay manatili pa rin siya na Muslim ngunit labas siya sa saklaw ng paaralang kaisipan [mażhab] ng Shī’ah. Sa ibang salita, ang hindi patanggap ng batayan ng relihiyon [uṣūludīn] ay kadahilanan na lumabas siya sa relihiyon at ang hindi pagtanggap ng uṣūl ng mażhab ay kadahilanan na lumabas siya sa natatanging mażhab (ang Shī’ah).
 
Ang Kaibahan ng Mga Batayan ng Relihiyon [Uṣūludīn] at Mga Sanga ng Relihiyon [Furū’udīn]
     Sa pagitan ng mga batayan ng relihiyon [uṣūlidīn] at sanga ng relihiyon [furū’udīn] ay mayroon na dalawang malaking kaibahan:
1.      Lumabas at hindi-lumabas sa relihiyon; Sa ganito na kahulugan na ang hindi pagtanggap ng isa sa mga batayan ng relihiyon, ang maging mangyari ang tao ay lumabas sa saklaw ng Islam. Ngunit ang hindi pagtanggap ng isa sa mga sanga ng relihiyon ay hindi maging kadahilan na lumabas siya sa saklaw ng relihiyon.[14]
2.      Taqlīd at walang-taqlīd; Doon sa mga batas [aḥkām] at mga kautusan, ang isang tao na Muslim o kayâ sa buong aḥkām ay mujtahid siya at gumawa siya alinsunod sa kanyang sariling pananaw,[15] o kayâ nag-iingat siya doon sa lahat na mga alituntunin o kayâ sumusunod siya sa isang mujtahid na mayroong ganap na mga kondisyon at pagkatapos gumawa siya alinsunod sa kanyang risālatul ‘amaliyyah at karunungang pananaw. Ngunit sa kalagayan ng batayan ng relihiyon [uṣūludīn] ay hindi pinapahintulutan ang taqlīd (pagsunod) at itong gawain ng pagsunod ay ipinagbabawal at dapat na ang isang tao ay makamtan niya sa kanyang sarili ang tamang mga katibayan ng mga batayan ng relihiyon [uṣūludīn]. Ang kadahilan kung bakit ipinagbabawal ang pagsunod [taqlīd] doon sa uṣūludīn ay isang isyu na doon sa kanyang sariling pook tatalakayin – na kung saan ay karaniwan na tatalakayin sa ijtihād at taqlīd doon sa ‘Ilmu Fiqh. Ang natitiyak na mensahe sa itong pananaw ay ganito na kung sinumang tao ang tumanggap sa Islam sa pamamagitan ng pagsunod [taqlīd] lamang at walang katibayan ay hindi siya mahatulan na Islam. Dapat na alalahanin na itong hatol ay kasaklaw ang sinumang tao na mayroon na kakayahan na makamtan ang katibayan. Subalit ang tao na walang kakayahan ay hindi kasali mula sa itong hatol at para sa kanya ay sapat na iyong makamtan niya ang kaseguruhan at katiyakan sa batayan ng relihiyon [uṣūludīn] kahit pa iyon ay sa paraan ng mga salita ng mga dalubhasang iskolar.[16] Kahit na ang mga iskolar ay kumikiling sila na sapat na ang kaseguruhan at katiyakan doon sa uṣūludīn sa pamamagitan ng mga salita ng mga iskolar, kasi mayroon rin na mga tao na nagkakaroon ngâ ng kakayahan na makamtan ang katibayan ngunit umaasa pa rin sila sa mga salita ng mga iskolar.[17]   
     Paalaala: Sa kalagayan na kinakailangan ang taqlīd; ang lahat na kaalaman ng relihiyon na kasali ang mga isyu ng kaugalian [akhlāq] ay kinakailangan ang pagsunod [taqlīd] maliban sa mga batayan ng relihiyon.[18] Opo nga hindi na kailangan pa ang pagsunod [taqlīd] sa mga kinakailangan na isyu ng fiqhī, akhlāq at gayundin sa mga yaqīnīyāt.[19]
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

[1] ‘Alī Akbar, Dahkhudā; Lughat Nāmeh Dahkhodā, sa babaan ng paksâ na dīn.

[2] Ḥusayn ibn Muḥammad, Raghib Iṣfahānī; Mufradāt Al-Fāẓ Al-Qur’an, p. 323 (Wā al-dīn yuqāl liṭā’ah wa al-jazā’, ista’īr lisharī’ah).

[3] Sūrah Al-Fātiha 1:4

[4] Sūrah Al-Tawbah 9:33

[5] Sūrah Yūnus 10:22

[6] Marẓabān, Karīmī; Khudā Shināsī wa Tawḥīd (Sar Āghāẓ Dīn wa Dīndārī), p. 17-24.

[7] Ang tinutukoy ng pangkalahatan ng dīn ay iyong dīn na totoo [haqq] at hindi-totoo [bātil].

[8] ‘Abdullūllah, Jawādī Āmolī; Sharī’at dar Ā’īneh Ma’rifat, p. 93.

[9] Aḥmad, Siyāḥ; Al-Munjid: Farhang Bozorgh Jāmi’ Nūwīn; Tarjumaḥ Al-Munjid (‘Arabī – Fārsī). Tomo 1, p. 24.

[10] Para sa karagdagan na pag-aaral ay sumangguni sa mga aklat ng pilosopi katulad ng Nihāyah Al-Ḥikmah; ‘Allāmah Ṭabāṭabā’ī (sa paksa na Aṣālat Wujūd).

[11] ‘Abdulghanī, Al-Najafī; Al-Urwah Al-Wuthqā, p. 364 at Muḥammad Jawād, Mughniyyah; Fiqh Al-Imām Ja’afar Al-Ṣādiq, tomo 2, p. 252.

[12] Muḥammad ibn ‘Ali ibn Bābawayyah, Qomī; (Shaykh Ṣadūq), Al-Hidāyah, p. 4.

[13] Muḥammad ibn Ḥasan Ṭūsī (Shaykh Ṭūsī);
الرسائل العشر، ص 103 (إذا سألك سائل وقال لك: ما الإيمان؟ فقل: هو التصديق بالله و بالرسول وبما جاء به الرسول والأئمة عليهم السلام. كل ذلك بالدليل، لا بالتقليد، وهو مركب على خمسه أركان، من عرفها فهو مؤمن، ومن جهلها كان كافرا، وهي: التوحيد، والعدل، والنبوه والإمامه، والمعاد).

[14] Sayyid Muḥammad Kāzim, Yaẓdī; Al-Urwah Al-Wuthqā, tomo 1, p. 138.

[15] Sinuman na tao na mujtahid lamang sa bahagi mula sa mga alituntunin ng batas [aḥkām fiqh], iyon sila ay tatawagin na mutajjaẓī.

[16] Sayyid Muḥammad, Ṣadr; Mā Warā’ Al-Fiqh, tomo 10, p. 287.

[17] Mūsā, Shabīrī Ẓanjānī; Tawḍiḥ Al-Masā’il, Mas’alah Awwal; Āqā Jamāl Al-Dīn, Khawānsārī, Mabdā’ wa Ma’ād, p. 11. Para sa karagdagang kaalaman sumangguni sa: Uṣūlu Dīn http://islampedia.ir/fa).

[18] Sayyid Muḥammad Kāzim, Yaẓdī; Al-Urwah Al-Wuthqā, p. 13 (doon sa babaan ng mas’alaḥ, sa talibaba sa iilan na fuqahā sa kanilang pagkakaalam ay gumawa ng pagsunod [taqlīd]) sa lahat na mga kilos.

[19] Katulad, p. 14.


captcha