IQNA

Ang Mosalla ng Tehran ay Mapunong-abala ng Pagtatanghal ng Qur’an na Pandaigdigan sa Ikalawang Kalahati ng Ramadan

10:29 - March 14, 2022
News ID: 3003858
TEHRAN (IQNA) – Ang ika-29 na edisyon ng Pagtatanghal ng Qur’an na Pandaigdigan sa Tehran ay gaganapin sa Mosalla ng Imam Khomeini (RA) (bulwagan ng pagdasal na malaki) ng lungsod, sinabi ng isang opisyal.

Sinabi ni Ali Reza Moaf, ang pangalawa ng Qur’an at Etrat ng Kagawaran ng Kultura at Islamikong Patnubay, noong Sabado na ang pagtatanghal sa ngayong taon ay ilalagay sa loob ng labindalawang mga araw sa ikalawang kalahati ng banal na buwan ng Ramadan.

Naka-iskedyul para sa ika-15 hanggang ika-27 na araw ng Ramadan (Abril 17-29), iyon ay isasaayos nang personal at sa buong pagsunod sa mga protokolo ng kalusugan, sinabi niya.

Idinagdag ni Moaf na ang Kagawaran ng Kultura ay nagplano ng isang 25-araw na pagtatanghal, ngunit isang pag-apruba ay ibinigay (sa pamamagitan ng Pambansang Himpilan para sa Pakikipaglaban ng Mikrobyong Korona) para sa pagdaraos nito sa loob ng 12 mga araw at sa mas limitadong sukat kaysa sa nakaraang mga taon.

Dahil ang bagong alon ng mikrobyong korona ay umuurong sa bansa, sinabi niya, ang Pagtatanghal ng Qur’an na Pandaigdigan at Perya ng Aklat na Pandaigdigan sa Tehran ay personal na isasaayos ngayong taon.

Ang Perya ng Aklat na Pandaigdigan sa Tehran ay taunang inorganisa ng Kagawaran ng Kultura at Islamikong Patnubay sa banal na buwan ng Ramadan.

Ang eksibisyon ay naglalayong itataguyod ang mga konseptong Qur’aniko at pagbubuo ng mga aktibidad na Pang-Qur’an.

Iyon ay nagpapakita ng pinakabagong mga tagumpay ng Qur’an sa bansa pati na rin ang iba't ibang mga produkto na nakatuon sa pagsulong ng Banal na Aklat.

Noong 2020 ay nakansela ang pagtanghal at noong 2021 ay ginanap iyon sa pangbirtuwal dahil sa mga paghihigpit sa mikrobyong korona sa bansa.

 

 

3478138

captcha