IQNA

Pinangalanan ang mga Tagapamahala ng Pagtatanghal ng Qur’an na Pandaigdigan sa Tehran

5:47 - April 10, 2022
News ID: 3003954
TEHRAN (IQNA) – Ilang mga araw bago ang pagbubukas ng ika-29 na Pagtatanghal ng Qur’an na Pandaigdigan sa Tehran, ipinakilala ang mga tagapamahala ng iba't ibang mga bahagi ng expo.

Ang Kinatawan ng Qur’an at Etrat ng Kagawaran ng Kultura at Islamikong Patnubay ng Iran, si Ali Reza Moaf, ang pinangalanan na mga tagapamahala sa magkahiwalay na mga kautusan.

Si Mohammad Mehdi Aziz-zadeh ang hinirang na kinatawang pinuno ng expo habang sina Hamed Moniri, Hamid Majidimehr, Saeed Ardestani, Fazel Nazari, Hossein Naqi, Shobeir Firouzian, Mohammad Taqi Mirzajani, Morteza Khetmatkar at Ramin Veisi ay kabilang sa mga itinalaga bilang mga patnugot ng iba't ibang mga bahagi.

Ang Pagtatanghal ng Qur’an na Pandaigdigan sa Tehran ay taunang inorganisa sa pamamagitan ng Kagawaran ng Kultura at Islamikong Patnubay sa banal na buwan ng Ramadan.

Ang eksibisyon ay naglalayong itataguyod ang mga konseptong Qur’aniko at pagbbuuo ng mga aktibidad na Qur’aniko.

Iyon ay nagpapakita ng pinakabagong mga tagumpay ng Qur’an sa bansa pati na rin ang iba't ibang mga produkto na nakatuon sa pagsulong ng Banal na Aklat.

Noong 2020 ay nakansela ang expo at noong 2021 ay ginanap iyon na pangbirtuwal dahil sa mga paghihigpit sa mikrobyong korona sa bansa.

Ang ika-29 na edisyon ng eksibisyon ay gaganapin dito sa kabiserang Iraniano na may salawikain ng "Qur’an, Aklat ng Pag-asa at Kapayapaan".

Nakatakda para sa ika-15 hanggang ika-27 na mga araw ng Ramadan (Abril 17-29), isasaayos iyon nang personal at ganap na sumusunod sa mga protokolo sa kalusugan.

Ang Imam Khomeini (RA) Mosalla (malaking bulwagan ng pagdasal) ng lungsod ang magpunong-abala sa pandaigdigan na kaganapan sa Qur’an.

 

 

3478409

captcha