IQNA

Binuksak ang Ika-1 na Pagpupulong na Pandaigdigang sa Pamilya, Edukasyong Espirituwal

5:09 - April 20, 2022
News ID: 3003994
TEHRAN (IQNA) – Nagsimula ang Ika-1 na Pandaigdigang Pagpupulong sa Pamilya at Espirituwal Edukasyon noong Lunes ng gabi sa giliran ng ika-29 na Pagtatanghal ng Qur’an na Pandaigdigan sa Tehran.

Sinabi ni Hojat-ol-Islam Mostafa Daryabari, kalihim ng kumperensya, sa pagbubukas ng seremonya na ang kaganapan ay nagpapatunay na mayroong pandaigdigang pananaw sa isyu ng pamilya at pagpapalaki.

Tatalakayin ng kaganapan ang parehong mga pamilyang Shia at Sunni, sinabi niya, sa pagbabangit "Naniniwala kami na ang pagkakaisa na aming hinahangad ay maisasakatuparan sa isang pamilya na sumusunod kay Propeta Muhammad (SKNK)."

Ang isa pang aspeto ng kumperensya, patuloy siya, ay ang mga relihiyong Abrahamiko. “Kami ay naghahangad na magtatag ng isang panrelihiyon at tapat na pamilya dahil maraming mga pagkakatulad sa lugar na ito. Ang paglikha ng espirituwal at relihiyosong larangan ay napakahalaga sa sekular na kapaligiran.”

Si Ayatollah Reza Ramezani, kasapi ng Konseho ng mga Dalubhasa ay kasunod na tagapagsalita o ang kaganapan.

Binigyang-diin niya na ang Banal na Qur’an ay may maraming mga talata tungkol sa pamilya.

Nabanggit niya na ang liberalismo sa Kanluran ay humantong sa pagbaluktot ng konsepto ng pamilya.

Sa ibang lugar, tinanggihan niya ang pananaw ng ilang mga iskolar sino nagsasabing hindi mauunawaan ng mga Uropiano ang wika ng Qur’an. Hindi ito maipagtatanggol dahil ang wika ng Qur’an ay ang karunungan na naiintindihan sa lahat ng kapanahunan, dagdag niya.

Ang Ika-29 na Pagtatanghal ng Qur’an na Pandaigdigan ay isinasagawa sa Imam Khomeini (RA) Mosalla (bulwagan ng pagdasal) dito sa Iranianong kabisera sa loob ng dalawang mga linggo.

 

 

3478545

captcha