IQNA

8 mga Produktong Qur’aniko ang Inihayag sa Pagtatanghal na Pandaigdigan sa Tehran

4:24 - April 28, 2022
News ID: 3004016
TEHRAN (IQNA) – Sa isang seremonya na ginanap sa Ika-29 na Pagtatanghal ng Qur’an na Pandaigdigan noong Martes, walong bagong mga produkto at mga gawang Qur’aniko ang inihayag.

Ang seremonya ay dinaluhan ng ilang bilang ng mga opisyal, kabilang si Ali Reza Moaf, ang kinatawan ng Qur’an at Etrat ng Kagawaran ng Kultura at Islamikong Patnubay at ang pinuno ng eksibisyon.

Kasama sa mga produkto at mga gawa ang Amir Bayan software na binuo sa pamamagitan Kinatawan ng Qur’an at Etrat ng Kagawan ng Kultura, isang kopya ng Qur’an na isinulat sa Iranianong Nastaliq eskrip ng kilalang kaligrapiyo na si Manouchehr Nooh, Khas Qur’aniko na aplikasyon para sa mga mobile phone, at isang software ng pagsasaulo ng Qur’an.

Itinatampok ng software ng Amir Bayan ang mga turo ng Nahj-ul-Balaqa, isang pagtitipon ng mga sermon, mga tuntunin, mga panalangin, mga sulat at mga aphorismo ni Imam Ali (AS).

Sa isang talumpati sa seremonya, sinabi ni Moaf na ang mga seremonya ng pagpapakita ay kabilang sa mga kaakit-akit na bahagi ng eksibisyon, ngunit idinagdag na ang naturang mga kaganapan ay hindi maaaring pahalagahan ang mga pagsisikap na ginawa upang lumikha at bumuo ng mga produkto at mga gawa katulad ng mga ipinakita sa seremonya.

Sinabi rin niya na ang eksibisyon sa taong ito ay mainit na tinanggap ng mga tao at ng media, idinagdag na ang pagtatanghal ng Qur’an ay dapat mag-ambag sa paggawa ng diskurso sa lipunan.

Ang Ika-29 Pagtatanghal ng Qur’an na Pandaigdigan sa Tehran ay pinasinayaan noong Abril 16 sa Imam Khomeini (RA) Mosalla (bulwagan ng pagdasal) at tatakbo hanggang Abril 29.

Ang eksibisyon ay taun-taon na inorganisa ng Kagawaran ng Kultura at Islamikong Patnubay sa banal na buwan ng Ramadan.

Iyon ay naglalayong isulong ang mga konsepto ng Qur’an at pagbubuo ng mga aktibidad ng Qur’an.

Ang eksibisyon ay nagpapakita ng pinakabagong mga tagumpay ng Qur’an sa bansa pati na rin ang iba't ibang mga produkto na nakatuon sa pagsulong ng Banal na Aklat.

 

 

3478671

captcha