IQNA

Nanalo ang Iranianong Qari sa Paligsahan ng Qur’an na Pandaigdigan sa Al-Kawthar

14:39 - May 04, 2022
News ID: 3004039
TEHRAN (IQNA) – Nauna si Mohammad Mehdi Nateri mula sa Iran sa ika-15 na edisyon ng Paligsahan ng Qur’an na Pandaigdigan sa Tsanel ng Al-Kawthar TV.

Ang Iranianong qari ay umiskor ng 86 na mga puntos mula sa 100 at nakuha ang pinakamataas na premyo.

Ang pangalawa ay si Hadi Fasihi mula sa Afghanistan na may 83 na mga puntos at si Muhammad Sayid Ahmed mula sa Mauritania ay pumangatlo na may 82.25 na mga puntos.

Ang mga nagwagi sa ikaapat at ikalimang mga titulo ay sina Ayad Bassam Muhra mula sa Syria at Ma'az Ayat al-Ain mula sa Italya.

Mahigit sa 460 na mga qari mula sa mahigit 30 na mga bansa ang nakibahagi sa kumpetisyon ng telepono sa Qur’an.

Ang Pakistan, Iran, Iraq, Indonesia, Afghanistan at Ehipto ang may pinakamalaking bilang ng mga kalaban.

Ang mga miyembro ng lupon nga mga tagahukom ng kaganapan ngayong taon ay mula sa Iran, Ehipto, Syria, Lebanon, Iraq, Jordan at Afghanistan.

Pinamagatang "Inna lil-Muttaqina Mafaza" (Katotohanan, para sa matuwid ay ang pagkakamit- Banal na Qur’an, 78:31), ang paligsahan sa pagbigkas ay taun-taon na inorganisa ng Al-Kawthar TV sa banal na buwan ng Ramadan.

Ang Al-Kawthar TV ay isang tsanel sa wikang Arabiko sa loob ng Islamikong Republika ng Iran na Pandaigdigang Paglingkod na Pagbobrodkas.

 

 

3478756

captcha