IQNA

Mga Surah ng Qur’an/107 Surah Al-Ma’un: Pag-uugali ng mga Hindi Naniniwala sa Pagkabuhay na Mag-uli

11:28 - August 21, 2023
News ID: 3005914
TEHRAN (IQNA) – Ginagawa ng mga tao ang lahat para maabot ang kaligayahan dahil naniniwala silang dapat silang magkaroon ng pinakamagandang buhay sa mundong ito. Ngunit may mga taong nag-iisip na ang kaligayahan ay hindi lamang sa mundong ito at dapat magsikap na maabot din ang kaligayahan sa kabilang buhay.

Ang Al-Ma'un ay ang ika-107 kabanata ng Qur’an na mayroong 7 na mga talata at nasa ika-30 Juz.

Ito ay Makki at ang ika-17 Surah ng Qur’an na ipinahayag sa Banal na Propeta (SKNK).

Ang Ma’un ay tinukoy bilang mga ari-arian, kayamanan, mga pangangailangan sa buhay at gayundin ang Zakat. Ang salitang Ma'un ay dumating sa huling mga talata ng Surah, na nagbibigay ng pangalan sa kabanata nito.

Ang Surah ay nagbabala sa mga nagpapanggap na Muslim ngunit nagpapakita ng mapagkunwari na mga pag-uugali, katulad ng hindi pagdarasal at hindi pagbibigay ng Zakzat (limos), mga aksiyon na sumasalungat sa paniniwala sa Araw ng Pagkabuhay na Mag-uli.

Pagkatapos ay itinatampok ng kabanata ang mga katangian ng mga tumatanggi sa Araw ng Muling Pagkabuhay, katulad ng pag-iwas sa pagbibigay ng limos, pagtanggi sa pagtulong sa mga ulila at mga mahihirap, pagpapabaya sa Salah at pagiging mapagkunwari sa kanilang mga kilos.

Ang unang talata, na tumutugon sa Banal na Propeta (SKNK), ay nagsabi: "Nakita mo ba ang isa na tumatawag sa (Deen) na kasinungalingan?"

Mayroong iba't ibang mga pananaw tungkol sa kahulugan ng salitang 'Deen'. Ang ilan ay nagsasabi na ito ay tumutukoy sa Araw ng Pagkabuhay na Mag-uli, at ang ilan ay naniniwala na ito ay tungkol sa mga gantimpala at mga kaparusahan para sa mga kilos.

Kaya pinupuna nito ang mga walang paniniwala sa Araw ng Muling Pagkabuhay at sa banal na mga gantimpala at mga kaparusahan.

  • Surah Al-Humazah: Isang Apoy na Nag-aantay sa mga Maninirang-puri, mga Mapagsisiraan

Ang Surah ay nagsasaad ng masasamang mga gawa ng mga tumatanggi sa Araw ng Pagkabuhay na Mag-uli.

Wala silang magandang pag-uugali dahil itinuturing lamang nila ang buhay sa mundong ito bilang mahalaga at hindi nila nakikita na kailangan ang pagsisikap na maabot ang kaligayahan sa susunod na mundo. Kaya naman gumagawa sila ng mga bagay na hindi nararapat ayon sa relihiyon at moralidad.

Halimbawa, tinatalikuran nila ang mga ulila at ayaw tumulong sa kanila kahit mayaman sila.

Sila rin ay mapagkunwari at walang pakialam sa kanilang mga pagdasal at tumatangging tumulong sa nangangailangan.

 

3484846

captcha